【Paunawa : Impormasyong Ibento sa Tsurumi Ward】Enero 5 (Linggo) Unang seremonya ng paglalaban sa sunog sa Tsurumi Ward

Sa Enero 5 (Linggo),ang seremonya sa Tsurumi himpilan ng bumbero ay gaganapin sa malaking paradahan ng Soji Templo. Maraming mga trak ang magpapalabas ng tubig nang sabay-sabay,na kung saan ay napakaganda. At isa pa, maaari mong tangkilikin ang pagganap ng banda ng Ushioda Junior High School, makikita ang eksibisyon ng iba’t ibang mga trak ng sunog. Makakakuha ang mga bata ng maliit na fire trak at masusubukang isuot ang uniporme ng bumbero. Magiging napakasayang okasyon lalo na sa mga pamilya.

※Ang Dezomeshiki:Nagtitipon ang mga bumbero tuwing pagpasok ng taon,isang kaganapan na nagpapahayag ng simula ng isang taong.Ipapakita sa mga bisita ang diskarte kung papaano ang paglabas ng tubig at pagsagip sa mga tao.

Kaylan: Enero 5(Linggo)

10:00-10:40  Seremonya

10:40-11:25  Mga nagmamartsa na band sa pagganap ng mga estudyante ng Ushioda Junior High schools. Ang paglabas ng tubig galing sa mga trak at iba pa.

11:30-12:30  Eksibisyon ng iba’t ibang mga fire traks, pagkuha ng mga maliliit-fire traks, mararanasan ang pagsuot ng uniporme ng bombero atbp.

Saan gaganapin:Sa malaking paradahan sa Soji Templo

   (2-1-1, Tsurumi, Tsurumi-ku : 5-minutong lakad galing sa labasang kanluran ng estasyon ng Tsurumi)mangyaring maglakad sa kadahilangang walang paradahan.