Sa Tsurumi International Exchange Lounge, inihahanda ang sili-pulungan para sa mga nakarehistrong grupong maaaring gumamit nito.
Pagkabuuang Ideya ng Paggamit ng Silid-pulungan
Pangkabuuang Ideya ng Silid-pulungan
Silid-pulungan A (May kapasidad na 24-katao)
Silid-pulungan B (May kapasidad na 24-katao)
Silid-pulungan C (May kapasidad na 24-katao)
Maaaring pag-isahin ang Silid-pulungan A at B (May kapasidad na 48-katao)
Paghahati ng Oras ng Paggamit
Umaga: mula ika-9 ng umaga hanggang ika-1 ng hapon
Hapon: mula ika-1 hanggang ika-5 ng hapon
Gabi: mula ika-5 hanggang ika-9 ng hapon
Halaga ng Paggamit
Ang paggamit ng silid-pulungan ay walang bayad.
Sa Paggamit ng Silid-Pulungan
Kinakailangan ng pagpaparehistro ng grupo upang magamit ang silid-pulungan
Paraan ng Pagpaparehistro ng Paggamit
1. Isumite sa tanggapan ng (Tsurumi International) Lounge ang Application Form (Form 1) 1 ng Pagpaparehistro ng Paggamit (ng Silid-pulungan)
2. Bibigyan ng card upang makagamit ang grupo
Pamantayan Upang Makagamit ng Grupo ng Silid-pagpupulong
Pangunahin sa mga tuntuning dapat isakatuparan ng grupong magkakaroon ng aktibidades sa Tsurumi Ward:
1. Tulong para sa mga dayuhang naninirahan sa Japan, para sa mga grupong lumalahok sa mga pangunahing programa ng mga samahan ng International Exchanges, International Cooperation, atbp.
2. Bukod sa nakasaad sa itaas, ay mga grupong nagsasagawa ng mga programang alinsunod sa pagtulong sa mga dayuhang naninirahan sa Japan, International Exchanges, International Cooperation, atbp.
3. Para sa mga grupong naaprubahan ng Pamunuan ng Tsurumi Ward na nangangailang gumamit ng silid-pulungan
Bukod dito, hindi makakarehistro ang mga grupong maglulunsad ng mga aktibidades na liban sa nabanggit sa itaas na may kinalaman sa pamumuhunan, pangrelihiyon o pampulitika o kaya ay mga grupong naglulunsad ng aktibidades na taliwas sa kaayusan ng komunidad.
Paraan ng Pagpapareserba
Pagpapareserba ng Paggamit
1. Tatlong buwan bago ang araw ng paggamit (ito ay magiging sa susunod na araw kapag pumatak sa Araw ng pahinga), mula ika-9 ng umaga. Tinatanggap sa pamamagitan ng tawag sa telepono o kaya sa personal na pagpunta sa tanggapan.
2. Kinakailangan ang Application Form (Form 4) kung magpapareserba. Ngunit kung pagpapareserba sa telepono, isumite ang Application Form sa loob ng 7 araw pagkatapos magpareserba sa telepono.
3. Sa pagpapareserba, mabibigyan ng hanggang 6 beses na paggamit sa loob ng isang linggo.
Ang 1 beses na paggamit ay ang pagkakataon kung saan nahahati sa oras ang paggamit ng silid-pulungan.